
Isa na namang malaking hamon para kay Kapuso Drama King Dennis Trillo ang upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Gaganap siya dito bilang Crisostomo Ibarra, ang isa sa mga bidang tauhan mula sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.
"Hindi siya basta-basta na role, e. Kailangan mo siya talagang aralin. Hindi ka puwedeng basta-basta mag-adlib na lang ng mga gusto mong sabihin doon sa character. Kailangan talaga nakasukat lagi 'yung mga gagawin mo at sasabihin," kuwento ng aktor tungkol sa kanyang karakter.
Dahil dito, excited na si Dennis na mapanood ng mga Kapuso ang kakaibang mundo ng binuo ng kanilang serye.
"Parang hindi pangkaraniwan kasi iba 'yung kultura noon at iba 'yung kultura ngayon. Iba 'yung pananalita nila, iba 'yung histura nila. Maganda 'yung makikita nila 'yung contrast noong mga characters dito," bahagi ni Dennis.
Makakasama ni Dennis sa Maria Clara at Ibara ang Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.
Si Barbie ay ang Gen Z nursing student mula 2022 na si Klay na mapupunta sa mundo ng Noli Me Tangere. Si Julie Anne naman ay si Maria Clara mula sa nobela.
Mapapanood na ang Maria Clara at Ibarra simula October 3 sa GMA Telebabad.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.
SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG MGA MAHUSAY NA PAGGANAP NI DENNIS TRILLO RITO: