GMA Logo Dennis Trillo and Sanya Lopez
What's on TV

Dennis Trillo, nakatikim ng 'di inaasahang sampal mula kay Sanya Lopez

By Marah Ruiz
Published December 9, 2024 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Sanya Lopez


Wala sa rehearsal ang sampal na natanggap ni Dennis Trillo mula kay Sanya Lopez.

Isang hindi malilimutang blooper ang nangyari sa isa sa pinaka intense na mga eksena sa GMA wartime family drama Pulang Araw.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasampal ng aktres na si Sanya Lopez ang co-star na si Dennis Trillo kahit hindi ito bahagi ng eksena.

Hindi rin kasama sa rehearsal ang sampal, pero ipinagpatuloy lang nina Sanya at Dennis.

Ibinahagi ni Sanya ang blooper na ito sa kanyang official Facebook account at bahagyang ipinaliwanag ang aksidente niyang pagkakasampal kay Dennis.

Ayon sa aktres, nagkamali siya ng rinig sa instruction ng acting coach na tumutulong sa kanila sa eksena.

"Sumpain kasi Sanya 🙈 hindi sampalin bhiiii 🤦🏻‍♀️ patawad Yuta 🙊 #PulangAraw," sulat niya sa caption ng kanyang post.

Sa ika-20 linggo ng Pulang Araw, mas tumindi na ang tensiyon sa pagitan ng karakter nina Sanya at Dennis na sina Teresita at Col. Yuta Saitoh.

Gagamiting pain ni Yuta ang kapatid ni Teresita para mapabalik ito. May binabalak naman si Teresita para tuluyan nang makatakas mula sa malupit na asawa.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.