
Game na game si Dennis Trillo na nakipagsayawan sa sikat na duo content creators na sina Tito Abdul at Tito Marsy, na co-stars niya sa pinagbibidahan niyang GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR.
Nag-break muna ang aktor sa maaaksyong eksena para makipagtagisan ng galing sa pagkendeng habang tumutugtog ang "The Spageti Song" ng SexBomb Girls.
Mapapanood ito sa isang online exclusive video na in-upload ng GMA Network sa Facebook, na viral na ngayon matapos makakuha ng mahigit 500,000 views sa loob lamang ng isang araw.
Biro ng isang nag-comment, "bagong recruit" si Dennis nina Abdul at Marsy, na kilala sa kanilang mga content sa TikTok kung saan nagpapanggap silang mga gay. Sa kanilang guest appearance sa Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw ng trending pair na pareho silang straight.
Gumaganap si Dennis bilang pulis sa action series na Sanggang-Dikit FR. Samantala, mga tanod naman ang karakter nina Abdul at Marsy dito.
Bukod sa popular na duo, napapanood din sa Sanggang-Dikit FR ang iba pang content creators na sina Abi Marquez, Shernan, Zaito, Ayanna Misola, at Alona Navarro.
Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.
RELATED CONTENT: Meet eight emerging Pinoy content creators to watch for in 2025