Celebrity Life

Dennis Trillo, nakipag-usap sa isang killer?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Bida si Dennis Trillo sa upcoming Cinemalaya Directors’ Showcase entry na 'The Janitor'. Gaano katotoo na kinailangan daw niyang makipag-usap sa isang mamamatay-tao para sa kanyang role?
By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Bida si Dennis Trillo sa upcoming Cinemalaya Directors’ Showcase entry na The Janitor. Gaano katotoo na kinailangan daw niyang makipag-usap sa isang mamamatay-tao para sa kanyang role?

Si Direk Mike Tuviera lang dapat ang mag-iinterview sa na-contact nilang isang aminadong killer-for-hire bilang paghahanda sa Cinemalaya X Directors’ Showcase entry na The Janitor.

Nang malaman ito ni Dennis, sumama na rin siya sa pag-iinterview dahil gusto raw niyang paghandaan ang kanyang karakter na isang vigilante. Ayon sa award-winning actor, kinabahan siya noong una.



Kuwento niya kay Lhar Santiago ng 24 Oras, “Noong kausap na namin sila, noong kinukuwento na nila ‘yung mga ginagawa nila and nakita namin na talagang trabaho lang talaga.”

“’Yung hitsura nila, parang hindi naman nakakatakot kaya hindi rin kami natakot. Parang normal na tao lang,” dagdag niya.

Sabay na ginawa ni Dennis ang The Janitor at ang isa pang series niya sa GMA, ang Sa Puso ni Dok, kung saan katambal niya ang FAMAS Best Supporting Actress na si Bela Padilla. Hindi raw birong sabay na gawin ang dalawang malaking proyektong ito.

Ngayon, naghahanda naman si Dennis sa taping ng bago niyang GMA Telebabad soap na Hiram na Alaala kung saan sa unang pagkakataon ay makakatambal niya si Kris Bernal. Excited si Dennis dahil may training siya sa PMA para sa karakter niya rito.

“Kumbaga, libreng workout na rin ‘yun para sa amin. Naka-workout ka na, nakatulong ka pa para doon sa character na gagawin mo,” aniya.