GMA Logo Dennis Trillo and Bea Alonzo
What's on TV

Dennis Trillo, napabilib kay Bea Alonzo sa 'Love Before Sunrise'

By Aedrianne Acar
Published June 6, 2023 8:20 PM PHT
Updated September 19, 2023 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Bea Alonzo


Kapuso Drama King Dennis Trillo, nagkuwento sa much-anticipated project nila ng multi-awarded actress na si Bea Alonzo na 'Love Before Sunrise.'

Inaabangan na ang pinakabagong collaboration ng Kapuso Network at ng leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service provider na Viu, ang 'Love Before Sunrise' kung saan tampok sina multi-awarded actress Bea Alonzo at Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Sa exclusive interview ni Dennis sa 24 Oras (June 6), may patikim na siya sa exciting project na ito.

Lahad ng versatile actor, “Pinapaganda nila bawat eksena. Nakikita namin lahat nung kinukunan naming eksena and kami napapa-wow. `Tapos 'yung mga eksena ngayon naka-storyboard lahat.”

Panay din ang papuri ng magaling na aktor kay Bea Alonzo/

“Masaya katrabaho si Bea, kasi dun sa 20 years na hindi ko siya naka-trabaho nakita ko 'yung sobrang laking improvement.” ani Dennis.

Kamusta naman kaya ang shoot nila ng kanilang mga intimate scenes sa 'Love Before Sunrise?'

Kuwento ni Dennis kay Lhar Santiago, “Actually nung araw na 'yun lahat ng eksena namin nandoon lang- nakahiga sa kama, dun nag-uusap, masaya.”

May gagawin din na series si Dennis Trillo na ipapalabas internationally at ito ang kuwento ng pari na si Severino Mallari, ang first documented serial killer sa Pilipinas.

Ayon kay Dennis, “Sobrang excited ako dun sa project. Itong period na gagawin ko ay mas nauna pa doon sa panahon ng Maria Clara at Ibarra, '1800s pa 'to, early '1800s.”

Tumatak sa mga manood ang role ni Dennis Trillo sa high-rating primetime series na Maria Clara at Ibarra kung saan ginampanan niya ang role bilang Crisostomo Ibarra. Dito nakasama niya sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, David Licauco, at Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

TINGNAN ANG MGA NAGANAP SA STORY CONFERENCE NG 'LOVE BEFORE SUNRISE':