
Kilala si Dennis Trillo sa pagkakaroon ng malawak na range bilang isang aktor. Mapa-comedy man, action, o drama, napatunayan na niya ang kakayahan niyang bigyang-buhay ang iba't ibang mga karakter.
Pero sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 10, inamin ni Dennis na may roles at projects din na inaatrasan niya.
“Actually, meron mga projects, maraming mga dumadating, pero hindi lahat natatanggap dahil feeling ko hindi ko nakikita 'yung sarili ko dun sa proyekto na yun. May mga projects na alam mo na kaagad, e, 'pag binasa mo pa lang, 'pag naikwento na sa 'yo, parang alam mo na hindi ito para sa 'yo at alam mo rin 'yung swak para sa 'yo,” sabi ni Dennis.
Deretsang tanong naman ni King of Talk Boy Abunda, “Kaya mo maghubad? Kaya mo mag-frontal nudity sa pelikula?”
Ani Dennis, depende kung kailangan talaga sa eksena.
“Ngayon may mga prosthetics [nang] nilalagay, kaya na nilang dayain, pero siguro depende kung kailangan talaga ng eksena. Maraming gumagawa dito, may mga kilala na ako na artista,” sabi ni Dennis.
Dagdag pa ni Kapuso Drama King, hindi naman niya aatrasan ang ganoong mga role kung talagang kailangang-kailangan sa eksena.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA STYLISH LOOKS NI DENNIS TRILLO SA GALLERY NA ITO:
Ang frontal nudity ay isa sa mga maituturing na pinaka-daring na maaaring gawin ng isang aktor para sa isang proyekto. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung may ilang mga artistang aminadong hindi nila kayang gawin ito.
Habang ilang celebrities na ang tumanggi sa paggawa ng frontal nudity sa projects, ilang aktor naman, gaya ni Dennis, ay dumedepende sa proyekto.
Kabilang na nga dito sina Martin del Rosario at Kokoy De Santos, na sinagot ang parehong tanong sa kanilang hiwalay na guest appearances sa GMA Afternoon Prime talk show.
Matatandaan na bumida si Martin sa stage play na Ang Anino sa Likod ng Buwan, kung saan nagpakita umano siya nang konti. Ayon sa aktor, willing naman siyang gawin ulit ito, ngunit para lang sa stage play at hindi sa TV o pelikula.
Samantala, para naman kay Kokoy, “Kung kailangan, Tito Boy, du'n sa play at talagang gusto ko 'yung materyal, bakit hindi naman? Willing.”
Panoorin ang panayam kay Dennis dito: