GMA Logo Dennis Trillo Jennylyn Mercado at Rhian Ramos
What's on TV

Dennis Trillo on 'Truly. Madly. Deadly': "'Wag kang magtitiwala sa lahat ng tao sa paligid mo"

By Dianara Alegre
Published October 16, 2020 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Jericho Francisco Jr. gets another skateboarding gold for PH
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo Jennylyn Mercado at Rhian Ramos


Mapapanood na ang 'I Can See You: Truly. Madly. Deadly.' sa Lunes, October 19, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 'Encantadia.'

Inamin ng “Truly. Madly. Deadly." lead cast na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Kapuso Sweetheart Rhian Ramos, at Ultimate Star Jennylyn Mercado na na-challenge sila sa mga role nila para sa serye.

“Challenged kami rito sa mga roles na binigay sa amin kasi hindi ito 'yung pangkaraniwan na parang love team na may ordinary na love story.

"Ito, parang mas ipinakita 'yung human side ng bawat character, e,” kwento ni Dennis sa naganap na virtual media conference kamakailan.

“Hindi ko nga masasabi siya na grey, e. Gusto ko sabihin na mas human 'yung character kasi hindi naman talaga siya mabait. Wala naman talagang taong purong mabait, wala namang purong masama,” aniya pa.

Jennylyn Mercado

Dennis Trillo

Rhian Ramos

Dahil first time nilang gumanap sa mga karakter na ipakikita sa serye, inilarawan nina Dennis, Rhian, at Jennylyn ang kani-kanilang roles.

“Ako si Drew. Ako yung IT technician sa resort. Matagal nang nagtatrabaho sa resort. Tapos may gusto ako du'n sa boss namin. Si Jen 'yung boss namin du'n," ani Dennis.

Sa istorya, napunta si Jennylyn sa isang resort na malayo sa siyudad upang takasan ang madilim niyang karanasan.

“Ako si Coleen. Si Coleen ay manager ng isang resort tapos nagpakalayo-layo ako. Napunta ako du'n sa resort na 'yon dahil mayroon akong pinagdaanan" ani ni Jennylyn.

“Kailangan kong makatakas du'n sa madilim na past na 'yon. Du'n ako nakabuo ng bagong buhay at nakilala ko si Drew doon.

“Tapos si Abby, best friend ko nu'ng highschool pa kami at after a long time, magkikita kami ulit at du'n malalaman 'yung mga pinagdaanan naming dalawa,” dagdag ng aktres.

Muling magagambala ang tahimik na buhay ni Coleen sa resort sa pagdating ni Abby, ang best friend-turned-enemy ng una na gagampanan ni Rhian.

“'Yung character ko rito, her name is Abby. Currently, parang vlogger na siya na malaki-laki ang following. Mayroon siyang very dark na past na nalagpasan.

“Dati kasi kaming best friends ni Coleen, 'yung character ni Jen. So ngayon, pupunta ako sa resort na 'to para bigyan ng review and du'n kami magkikita ulit. Maraming babalik na feelings and pains from the past,” aniya.

Ayon kay Jennylyn, iba't ibang emosyon ang mararamdaman ng viewers sa pinakabagong handog ng I Can See You.

Para naman sa aral na mapupulot sa serye, ani Dennis, "Sa tingin ko, pinakamagandang aral na mapupulot nila rito ay 'yung 'wag kang magtitiwala sa lahat ng tao sa paligid mo."

Makakasama rin nila sa serye sina Jhoanna Marie Tan at Ruby Rodriguez.

Abangan ang I Can See: Truly. Madly. Deadly sa Lunes, October 19 sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.