
Marami ang natuwa nang mapabilang ang GMA hit drama series na Pulang Araw sa mga ipapadalang pelikula, serye, at musika sa buwan.
Kabilang ito sa Lunar Codex project kung saan magpapadala ng mahigit 40,000 likhang sining mula sa 185 bansa at 160 indigenous nations gamit ang makabagong teknolohiya.
Matapos marining ang balita, labis ang tuwa ng lead stars ng Pulang Araw sa pagpili ng kanilang serye para sa makasaysayang proyekto. Kabilang sa nagbigay ng reaksyon ang kilalang Col. Yuta Saitoh ng serye, na si Dennis Trillo.
Para sa Kapuso Drama King, labis ang kaniyang tuwa at proud na marinig ang balita. Ito raw ay isang karangalan na makabilang sa archive sa buwan para sa mga susunod na henerasyon.
"Natutuwa ako na ipadadala 'yung proyekto na 'Pulang Araw' sa buwan," pahayag niya. "Sobrang proud ako na mape-preserve 'yung mga paghihirap namin at magkakaroon ng chance na mapanood ng mga susunod pang henerasyon."
Ayon pa kay Dennis, mahalaga na mapanood ito ng mga tao sa buong mundo bilang paalala sa kasaysayan ng Pilipinas at aral para sa mga susunod na henerasyon.
"Naniniwala ako na ang kuwento ng 'Pulang Araw' ay napakahalagang maintindihan ng mga tao lalong- lalo na 'yung bawat Pilipino para makilala nila mga sarili nila. Kaya importante na ma-preserve ito at dadalhin ito sa kalawakan at mapanood ng iba pang lahi (at) mga Pilipino," dagdag niya.
Nagbigay din ng reaksyon ang iba pang cast ng Pulang Araw tulad nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Lubos ang tuwa ng lead stars sa panibagong milestone ng kanilang serye.
"We are all very honored, and surprised actually, dahil hindi namin talaga inaasahan na mapapabilang kami," pahayag ni Barbie Forteza.
"Balita ko nga na bilang lang ang mga inilalagay doon so parang ang sarap lang sa pakiramdam na isa na tayo doon," dagdag naman ni Sanya Lopez.
"'Yun na nga eh, makikita na nila ko sa moon. Nakakagulat kasi honestly, first time ko siyang marinig na may ganoon palang concept," bahagi ni David Licauco.
"In-announce 'yan ni direk Dom (Dominic Zapata) and we're very honored na napili 'yung proyekto namin para magkaroon ng opportunity to be part of the Lunar Codex project. Maraming maraming salamat for the opportunity po," lahad ni Alden Richards.
Patuloy tumitindi ang aksyon, labanan, at emosyon sa Pulang Araw. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream at same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA LARAWAN NG PULANG ARAW CAST SA GALLERY NA ITO: