
Proud dad si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa anak niya kay Carlene Aguilar na si Calix para sa umuusbong na career nito bilang isang modelo.
Kamakailan lang ay rumampa si Calix sa Bench Fashion show kasama ang ilan sa mga malalaking artista at propesyonal na mga modelo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, October 27, inamin ni Dennis na hindi niya alam ang tungkol sa pagpasok ng anak sa fashion week ng naturang clothing brand, at sinabing nagulat na lang siya nang malaman ito.
“Nagulat na nga lang ako, e, kasi parang sinabi na lang niya, birthday niya po kasi 'yun, birthday week niya po 'yun, may naka-schedule kami na kakainan, kaso lang, bigla siyang nagkaroon ng fashion show,” paglalahad ni Dennis.
Kwento ng aktor, nag-audition umano si Calix mag-isa, at natanggap ng walang tulong nila.
“Sabi ko, 'Okay naman, buti nag-audition ka, at least hindi mo nakuha 'yan sa palakasan,'” sabi ni Dennis.
Hindi man sila nakapunta ng asawang si Jennylyn Mercado sa show dahil sa trabaho, napanood naman nila ito sa live streaming at ipinahayag kung gaano sila ka-proud kay Calix.
Bukod sa pagmo-model, proud din si Dennis sa anak nang makuha nito ang first place sa isang fencing competition nitong September.
Panoorin ang panayam kay Dennis dito: