
Kinaaaliwan sa social media ngayon ang latest video ni Dennis Trillo na in-upload niya sa Instagram, kung saan mapapanood na sinusunod niya ang lahat ng utos ng kanyang asawa na si Jennylyn Mercado.
Sa video, tumitigil si Dennis kahit ano pa ang kanyang ginagawa kapag may request ang kanyang misis. Ani ng award-winning actor, "Walang Best Actor Best Actor pagdating sa bahay."
Marami naman ang natuwa sa nasabing video dahil sa hatid nitong good vibes.
Kabilang na sa mga nag-comment ang aktor na si Rocco Nacino na tila naka-relate sa buhay may-asawa nina Dennis at Jennylyn. Kamakailan lang ay nag-viral din si Rocco at ang kanyang asawa na si Melissa Gohing, isang pro volleyball athlete, matapos i-"spike" ang kanyang mukha matapos humiling ng second baby.
Samantala, bida sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa GMA Prime action series a Sanggang-Dikit FR kung saan gumaganap sila bilang mga pulis. Ito ang comeback project ng couple matapos ang 10 taon. Ito rin ang unang serye nila bilang mag-asawa.
RELATED CONTENT: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's modern family