What's Hot

Dennis Trillo, special guest sa birthday party ni Cristine Reyes

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 11, 2020 4:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkabalikan na ba sila? Ito ang tanong ng mga bisitang dumalo sa birthday bash ng sexy actress na si Cristine Reyes noong Biyernes, February 5.
Nagkabalikan na ba sila? Ito ang tanong ng mga bisitang dumalo sa birthday bash ng sexy actress na si Cristine Reyes noong Biyernes, February 5, nang dumating sa event ang ex-boyfriend nitong si Dennis Trillo. Tweetbiz host Tim Yap, a close friend of Cristine, organized the said party. Ginanap ito sa Encore Bar na dating kilala sa pangalang Embassy. Ayon mismo kay Tim, sweet na sweet sina Dennis at Cristine nang gabing 'yun at game pang nagpakuha ng litrato kasama ang kanilang common friends. "Personally, I believe na sila na nga ulit although hindi pa lang sila umaamin," say pa ni Tim. A couple of weeks back, namataan din ang dalawa outside Fiamma Bar in Makati City ngunit itinanggi nila ang balitang balikan. Ayon sa dalawa, nagkataon lang daw ang pagkikita nila roon. Iginiit pa ni Cristine na close lamang talaga siya sa kapatid na babae ni Dennis kaya't may mga pagkakataong lumalabas siya kasama ang mga ito. Nauna rito, nabanggit ni Dennis sa press noong December na wala pa siyang ex-girlfriend na binalikan at never siyang nakikipagbalikan sa mga dating naging kasintahan. Ngunit kung pagbabatayan daw ang kanilang closeness these days tulad nang nangyari sa party ni Cristine, tila hindi malayong madugtungan ang kanilang naudlot na relasyon. -- Tweetbiz TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.