GMA Logo Dennis Trillo, Jennylyn Mercado
Courtesy: dennistrillo (IG)
What's Hot

Dennis Trillo, thankful sa umaapaw na blessings

By EJ Chua
Published May 10, 2025 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH companies lost P4 trillion to fraud in 2025, TransUnion says
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado


Back-to-back ang proyekto ng A-list Kapuso actor na si Dennis Trillo ngayong taon!

Lubos na ipinagpapasalamat ni Dennis Trillo ang sunud-sunod na proyektong natatanggap niya ngayong 2025.

Sa Chika Minute report na ipinalabas sa 24 Oras kamakailan lang, inilahad na grateful si Dennis sa umaapaw na blessings na nararanasan niya ngayon sa kaniyang buhay.

Bukod sa bagong endorsement, getting ready ang A-list Kapuso actor sa upcoming series na pagsasamahan nila ng kaniyang real-life partner at co-star na si Jennylyn Mercado. Ito ang Sanggang Dikit na nakatakdang ipalabas sa GMA sa buwan ng Hunyo.

Malapit na mapanood sa Hong Kong, Macao, at United Arab Emirates o UAE ang pelikula nina Dennis at Jennylyn na pinamagatang Everything About My Wife.

Sa kwentuhan nila ni Lhar Santiago, masayang ibinahagi ng aktor ang nag-iisang wish niya sa kaniyang birthday.

Pahayag niya, “Birthday wish ko ay sana laging masaya ang pamilya [ko]. 'Yun lang ang hiling ko, 'yun na ang the best para sa akin.”

Samantala, matatandaang noong 2020 ay napanood din na magkasama sina Dennis at Jennylyn sa ilang episodes ng mini-series na I Can See You: Truly. Madly. Deadly.