What's Hot

Dennis Trillo thanks Jennylyn Mercado for his MMFF Best Actor award

By Michelle Caligan
Published December 28, 2018 4:31 PM PHT
Updated December 28, 2018 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Dennis Trillo writes on Instagram: 'Salamat sa inyong pag-aalaga at pagmamahal sakin lalo na kay @mercadojenny'

Special mention si Ultimate Star Jennylyn Mercado sa thank-you post ni Dennis Trillo pagkatapos nitong manalo bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2018 para sa pelikulang One Great Love.

Dennis Trillo
Dennis Trillo

READ: Dennis Trillo, Max Collins, Gloria Romero win big at 2018 MMFF Gabi ng Parangal

Sa kanyang Instagram, pinasalamatan ng Cain at Abel star ang mga mahal niya sa buhay, kabilang ang aktres.

Aniya, "Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag-aalaga at pagmamahal sakin lalo na kay @mercadojenny [Jennylyn]."

Labing apat na taon mula noong ako'y unang nakatanggap ng ganitong parangal, para sa pelikulang Aishite Imasu 1941 directed by Joel Lamangan, na siya ring pinaka una kong pelikulang nagawa sa buong buhay ko. Salamat po Mother Lily at Miss Roselle Monteverde sa pagtitiwala noon pa man, hindi hindi ko po yun makakalimutan. Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu ,JC deVera, Marlo Mortel at Miles Ocampo lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo. Malaking bagay din ang tulong at pag gabay ng aming director na si direk Eric Quizon @eric_quizon . Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko ng maayos ang Role ni Ian.🙏 Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong Ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag aalaga at pagmamahal sakin lalu na kay @mercadojenny 😘💚🙏 Sana po ay mapanood niyo ang #onegreatlove Merry Christmas and Happy New Year po sa inyong lahat🙏❄️

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kasamahan sa pelikula, at binalikan din ang unang beses na nanalo siya ng award sa MMFF.

"Labing apat na taon mula noong ako'y unang nakatanggap ng ganitong parangal, para sa pelikulang Aishite Imasu 1941 directed by Joel Lamangan, na siya ring pinaka una kong pelikulang nagawa sa buong buhay ko.

"Salamat po Mother Lily sa pagtitiwala noon pa man, hindi hindi ko po yun makakalimutan. Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu, JC de Vera, Marlo Mortel at Miles Ocampo. Lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo.

"Malaking bagay din ang tulong at pag gabay ng aming director na si direk Eric Quizon."