What's on TV

Dennis Trillo, umaming nag-iingat sa mga eksena nila ni Heart Evangelista

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in Dueñas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa sexy at naughty ang tema ng 'Juan Happy Love Story,' anong pag-iingat ang ginagawa ni Dennis sa kanilang mga eksena ni Heart?


Ipinadiriwang ni Kapuso actor Dennis Trillo ang kanyang kaarawan ngayon, May 12. 

Ilang araw lang ito bago magsimula ang kanyang upcoming GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story, kaya magiging isang malaking birthday gift para sa aktor ang pagsisimula nito.

LOOK: Heart Evangelista and Dennis Trillo star in 'Juan Happy Love Story'

Sexy at naughty ang tema ng nasabing serye, pero ayon kay Dennis at sa kanyang leading lady na si Kapuso actress Heart Evangelista-Escudero, hindi na raw sila gaanong nagkaka-ilangan sa kanilang mga eksena. 

Ngunit tanong pa rin ng marami: Nag-iingat ba si Dennis, lalo na at asawa ng pulitiko ang kanyang co-star?

"Merong pag-iingat. Pero katulad ng sinabi ko, at the end of the day, artista kami na ginagawa lang namin ang trabaho," pahayag ni Dennis sa piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.

Bukod dito, sigurado naman si Dennis na very professional lagi si Heart. 

WATCH: Juan Happy Love Story: Naughty and nice nights

"Alam niya rin sa sarili niya na trabaho lang 'yung ginagawa niya. Kung ano man 'yung gawin niya sa work niya, I'm sure hindi niya papa-apektuhan kung ano 'yung nangyayari sa personal life," dagdag nito.

Abangan ang kakaibang chemistry nina Dennis at Heart sa Juan Happy Love Story, simula May 16, pagkatapos ng Once Again sa GMA Telebabad!

MORE ON DENNIS TRILLO:

Dennis Trillo, hindi muna gagawa ng pelikula

Dennis Trillo, hindi pressured na mag-asawa