GMA Logo dennis trillo
Photo: Dennis Trillo (Facebook)
What's Hot

Dennis Trillo urges accountability in wake of typhoon floods

By Jansen Ramos
Published November 10, 2025 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo


Naglabas ng hinanakit si Dennis Trillo dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Tino bilang panawagan sa gobyerno na managot sa gitna ng kontrobersyal na flood control issue sa bansa.

Viral ngayon ang pagpapahayag ni Dennis Trillo ng kanyang pagkadismaya dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng Cebu dahil sa Bagyong Tino noong nakaraang linggo.

Sa kanyang Facebook page, ipinost ng Sanggang-Dikit FR star ang litrato ng mga bahay na nasalanta ng bagyo bilang panawagan sa gobyerno na managot sa gitna ng kontrobersyal na flood control issue sa bansa.

"This is nature reminding us na wala pa ding nakukulong," sulat sa larawan.

Sa kanyang caption, naglabas ng hinanakit si Dennis. "Ano na?," ika niya.


Sa hiwalay na post, ibinahagi rin ng aktor ang kanyang hinaing na "Sana dinonate na lang natin yung mga binayad nating tax…" sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng kalamidad.


Marami naman ang sumang-ayon sa post ni Dennis bilang pasaring sa mga nasa posisyon sa gobyerno hinggil sa pangangailangan ng pananagutan at transparency sa Pilipinas.

Daing ng isang commenter, "Sana kagaya ng pagsunod sa obligation na pagbayad ng tax, ay gawin din nila ang obligation nila para sa taong bayan. Ikulong na ang dapat ikulong, parusahan ang dapat na parusahan."

netizen reacts to dennis trillo viral post on typhoon floods

Matinding pinsala ang idinulot ni Bagyong Tino sa iba't ibang bahagi ng Visayas gaya ng lalawigan ng Cebu kamakailan. Maraming pamilya ang nawalan ng tirahan, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay dahil sa hagupit ng malakas na ulan at hangin na nagdulot ng pagbaha.

Sa gitna ng trahedya, bukod kay Dennis, ilang celebrities din ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pakikiramay sa mga nasalanta.

Tingnan sa gallery na ito kung paano nagpahayag ng damdamin ang mga artista at personalidad para ibahagi ang kanilang malasakit at pakikiisa para panawagan ang hustisya matapos ang sakuna.