
Kinilala ang anak nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar na si Calix Andreas Ho bilang Rookie of the Year ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 88 Men's Fencing Tournament.
Iginawad sa 18-year-old freshman ang parangal dahil sa kaniyang tagumpay sa larangan ng fencing, bilang kinatawan ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons.
Very proud sa bagong achievement ni Calix ang ama niyang si Dennis, na laging present sa tuwing nagko-compete ang kaniyang anak.
Sa kaniyang Facebook post noong Lunes, March 16, ibinahagi ng Kapuso actor ang ilang larawan ni Calix habang hawak ang kaniyang trophy at suot ang dalawang medalya.
Kamakailan lang ay nanalo ng ginto si Calix sa Men's Epee individual event ng UAAP Season 88 fencing tournament.
Nagwagi rin si Calix at ang mga kasama niya sa UP fencing team ng silver sa team category ng nasabing tournament.
RELATED: DenJen at Carlene Aguilar, todo suporta kay Calix Andreas sa fencing tournament