GMA Logo DepEd TV extended hours
What's Hot

DepEd TV, madadagdagan ng iba pang educational shows simula July 26

By Marah Ruiz
Published July 19, 2021 4:36 PM PHT
Updated July 19, 2021 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

DepEd TV extended hours


Mas maraming programa na ang mapapanood sa DepEd TV dahil madadagdagan ito ng ilan pang educational shows simula July 26.

Tuloy lang ang learning dahil madadagdagan ng iba pang educational shows and DepEd TV simula July 26.

Mapapanood ang mga idinagdag na palabas simula 7:00 p.m. hanggang 10:30 p.m. kaya extended din ang oras ng DepEd TV.

Mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 p.m., abangan ang kid-friendly stories ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Susundan ito ng exciting na mga laro at updates sa Rise Up Stronger: NCAA Season 96, 7:30 p.m.

Tuklasin naman ang mayamang kultura ng Pilipinas sa magazine show na 100% Pinoy, 8:30 p.m.

Iba't ibang dekalidad na shows naman ang mapapanood kada araw sa extended hours ng DepEd TV, simula 9:30 p.m. hanggang 10:30 p.m.

Tuwing Lunes, pakinggan ang mga kuwento ng mga Pinoy mula sa iba't ibang bahagi ng bansa sa iJuander.

Mapapanood naman tuwing Martes ang award-winning documentary show na Reel Time.

Bubusugin tayo ng mga kuwento tungkol sa pagkain sa PinaSarap tuwing Miyerkules.

Kada Huwebes naman, buksan ang mga mata sa award-winning documentaries ng iWitness.

Matawa at mag-enjoy naman sa sikat na Taiwan reality TV show na Mr. Player tuwing Biyernes ng gabi.

Tuwing Sabado ng gabi, tunghayan ang educational, historical, and award-winning films na hatid ng Film 101, mula 7:00 p.m. hanggang 10:30 p.m.

Ang DepEd TV ay nabuo sa pagsasanib pwersa ng GMA Network at ng Department of Education bilang isang paraan ng paghahatid ng mga klase at leksyon sa mga estudyante ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ang bawat episode ng DepEd TV ay naglalaman ng multimedia classes para sa iba't ibang antas ng grade school at high school.

Mapapanood ang DepEd TV sa channel 7 ng GMA Affordabox, GMA Now at sa iba pang digital TV boxes.