
Ang GMA Network ang napili ng Department of Education (DepEd) na maging katuwang sa mas malawak at mas malinaw na paghahatid ng edukason sa mga kabataang Pilipino.
Dahil wala pa ring face-to-face classes dahil sa pandemic, sa online learning nakaasa ang karamihan ng mga mag-aaral.
Pero hindi naman lahat ay may access sa malakas at stable na internet connection.
Para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na ito, nagkaisa ang GMA Network at DepEd.
Ipapagamit nang libre ng GMA Network ang isang digital channel na available sa GMA Affordabox para maipalabas ang blended learning programs ng DepEd.
Naganap ang official signing sa isang virtual ceremony noong December 4.
"The role of GMA is going to be very crucial because of its reach," pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones.
Kinikilala naman ni Atty. Gozon ang kahalagana ng basic education.
"It is therefore our honor and privilege to join forces with the Department of Education and provide our TV platform for free to enable our young learners access to broadcast education while keeping them safe at home," pahayag niya.
Mapapanood ang DepEd TV sa channel 7 ng GMA Affordabox simula kalagitnaan ng Disyembre.
Panoorin ang buong ulat ni JP Soriano para sa 24 Oras video sa itaas.
Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.