GMA Logo DepEd TV and GMA
What's Hot

DepEd TV, mapapanood sa GMA Affordabox, GMA Now at iba pang digital TV boxes

By Marah Ruiz
Published May 17, 2021 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: PrimeWater to be held liable if proven at fault
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

DepEd TV and GMA


Maaari nang mapanood ang DepEd TV sa isang digital channel na available sa GMA Affordabox, GMA Now at iba pang digital TV boxes.

Maaari nang mapanood ang DepEd TV sa Channel 7 ng GMA Affordabox, GMA Now at iba pang digital TV boxes.

Sa pagsasanib pwersa ng GMA Network at ng Department of Education, nabuo ang DepEd TV channel bilang isang paaran ng paghahatid ng mga klase at leksyon sa mga estudyante ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Para mas marami pang maabot na mga mag-aaral, lalo na sa mga lugar na hindi posible ang online classes dahil mahina o hindi stable ang internet connection, ipalalabas nang libre sa Channel 7 ng GMA Affordabox at GMA Now ang blended learning programs ng DepEd.

Maaari rin mapanood ang DepEd TV sa iba pang digital TV boxes.

Ang bawat episode ng DepEd TV ay naglalaman ng multimedia classes para sa iba't ibang antas ng grade school, junior high school, at senior high school.

Tatagal ng 20 minutos ang bawat episode at may limang minutong break bago magsimula ang kasunod na episode.

Eere ang DepEd TV mula Lunes hanggang Sabado, 7:00 a.m. to 7:00 p.m.

Maaari ring mapanood ang mga klase sa wikang Ingles at Filipino.

Pormal na ilulunsad ang DepEd TV channel sa May 24, 2021 sa Channel 7 ng GMA Affordabox, GMA Now at sa iba pang digital TV boxes.