
Muling namataang magkasama sina Derek Ramsay at Ellen Adarna matapos mag-post ng kani-kanilang mga larawan at video sa Instagram na kuha mula sa kanilang bakasyon sa Batangas kamakailan.
Kasama nila ang kani-kanilang mga kaibigan at anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.
Nanatili ang grupo sa isang resort sa Anilao, Batangas na kilala sa muck diving sites.
Sa isang post ni Ellen, video, ibinahagi niya ang isang close up video ni Derek na nagpapakita ng "pure talent" nito.
Nagsimula sa dating rumors sa pagitan nina Derek at Ellen nang namataaan ang dalawa na komportable sa isa't isa sa isang intimate dinner party noong January 11.
Idineny naman ng sexy actress na hindi siya attracted sa hunk Kapuso actor nang tawagin siyang "malandi" ng isang netizen sa isang now-deleted comment.
Matatandaang kontrobersyal ang naging breakup nina Derek at Ellen mula sa kani-kanilang ex-partners.
Noong November 2020, kinumpirma ni Derek na hiwalay na sila ng Kapuso star na si Andrea Torres, na leading lady niya sa GMA series na The Better Woman.
Samantala, late 2019 naman napabalitang hiwalay na sina Ellen at John Lloyd.
Narito ang iba pang celebrity breakups na ikinagulat ng marami: