Celebrity Life

Derek Ramsay at Andrea Torres, ipinakita ang kanilang ab workout routine

By Jansen Ramos
Published February 23, 2020 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 18 (Aug. 25, 2026) | GMA Regional TV
Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) August 25, 2026 [HD]
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kanilang latest vlog, ibinahagi nina Derek Ramsay at Andrea Torres ang sikreto sa kanilang flat at sexy abs.

Ipinakita ng Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres ang kanilang ab workout routine sa kanilang YouTube channel na Andrek Vlogs.

Sa naturang YouTube video, ibinahagi nila ang sikreto sa kanilang flat tummy: ang hanging leg raises na tumutulong sa pag-build ng core strength.

Bagamat trained sa powerlifting, inamin ni Andrea na pinaka-hate niyang workout ang leg raises kaya ginayd siya ng kanyang boyfriend na si Derek para magawa ito.

Kuwento ni Andrea kay Derek, "Alam mo ba kahit no'ng nagpa-powerlifting ako, ito 'yung hindi ko kayang gawin?"

Panoorin ang buong vlog dito: