
Nais daw maka-showdown ni actor and athlete Derek Ramsay para sa kanyang vlog ang mga atletang sina Matteo Guidicelli at Kiefer Ravena.
Nag-launch kasi si Derek ng bagong series na pinamagatan niyang One More Rep sa kanyang Youtube channel.
Sa bagong series na ito, makakaharap ni Derek ang iba't ibang challengers sa iba't ibang sports at fitness routines.
Una niyang sinabak dito si Papa D, na pamilyar bilang all-around guy sa kanyang vlog. Nagsilbi na ito bilang driver, singer, at waiter sa mga nakaraang vlogs ni Derek.
Para sa unang episode ng One More Rep, nagtunggali sina Derek at Papa D sa isang light workout.
Ipinakita din ni Derek ang kanyang post workout routine kung saan umiinom daw siya ng protein drink at nagsusuot ng mga recovery gear.
Matapos nito, nag-shoutout naman si Derek sa mga nais niyang mai-guest sa kanyang vlog.
"I challenge the next victim to come out and work out with me. Hopefully, Matteo Guidicelli. If your back is okay, come workout with me.
"Kiefer (Ravena), I want you. One-on-one on the basketball court. I know you'll beat me but I'll give you a good run for your money," pahayag ni Derek.
"To anybody who wants to challenge me, come workout with me. Let us know," dagdag pa niya.
Panoorin ang vlog ni Derek dito.