GMA Logo Derek Ramsay, Ellen Adarna
source: ramsayderek07/IG
What's Hot

Derek Ramsay, may buwelta sa isyung may third party ang relasyon nila ni Ellen Adarna

By Kristian Eric Javier
Published September 4, 2024 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay, Ellen Adarna


Derek Ramsay sa issue na iniintriga sa kaniya: Bakit ako pa rin?

Tila nadadawit na naman ang pangalan ni Derek Ramsay sa isang bagong intriga tungkol naman sa pagkakaroon ng third party, na pinabulaanan din ng aktor.

Sa entertainment YouTube channel na "Morly Alinio (Ito ang Tondo)", ipinahayag ni Derek kung gaano kasaya ang buhay niya ngayon, at kung paanong meron siyang “inner peace.”

“Wala akong galit, wala akong problema. Gigising ako, makikita ko 'yung magandang asawa ko, nilalaro ko 'yung sport ko na gusto kong gawin, wala akong wino-worry, my mom and my dad are healthy, nakikita ko sila all the time ngayon kasi nga nag-step away muna ako sa showbiz,” sabi ng aktor.

Pagpapatuloy pa ni Derek, “I get to spend time with people I love and masarap 'yun 'di ba? Lagi mo silang kasama habang nandito pa sila.”

Ngunit nang sabihin ng host na si Morly Alinio na nakaiwas siya sa intriga dahil sa paglayo niya sa showbiz, ang sabi ni Derek, “Alam mo, parang hindi pa rin e.”

“Wala na nga ako, ang dami pa ring intrigang nangyayari. Sabi ko nga, 'Tigil-tigilan niyo! Bakit ako pa rin?' Tahimik lang ako. Dati nu'ng nasa showbiz, hindi ko na lang pinapansin. Pero ngayon I'm stepping away na, parang wala, nakakainis na parang ikaw pa rin (ang pinag-uusapan),” sabi ng aktor.

Kuwento ni Derek, iniintriga siya umano ngayon na mayroon siyang third-party. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang aktor ngunit aniya, masaya na siya ngayon sa asawa niyang si Ellen Adarna at anak nitong si Elias.

“May asawa na nga ako. Ang dami-dami din naman diyang [ibang] couples, ako na lang lagi. Ang dami namang pwedeng ipag-choose, pero ako talaga. Hindi ko talaga naiintindihan,” sabi ni Derek.

BALIKAN ANG BLISSFUL MARRIED LIFE NINA DEREK AT ELLEN SA GALLERY NA ITO:


Kuwento pa ng aktor ay natatawa na lang umano si Ellen sa mga intrigang lumalabas sa kaniya dahil bukod sa lagi silang magkasama ay madalas nasa bahay lang siya. Kung hindi siya naglalaro ng golf, ka-bonding niya ang asawa at anak sa bahay.

“Ganu'n ang routine namin, hindi na nga namin alam kung weekend o ano e kasi simple lang 'yung buhay namin. Most of the time nagta-travel kami, kami din ang magkasama, ang galing ko naman kung may masingit pa 'ko,” pagpapatuloy ng aktor.

Sa huli, sinabi ni Derek na sobrang masaya ang buhay nila ngayon ni Ellen kasama si Elias, at sinabing kumpleto na ito para sa kaniya.

“My life is really, really good, I'm at peace, there's no more stress,” sabi ni Derek.