
Usap-usapan pa rin ngayon si Derek Ramsay sa social media, matapos niyang mag-guest sa vlog at online show ni Toni Gonzaga.
Sa naging panayam ni Toni kay Derek, mayroong ibinahaging tips ang huli para sa mga taong gusto at mayroong planong magpakasal.
Payo niya, “Ang advice ko is to get married when you're in your 40s. Sa babae, I would say early 30s para magka-baby pa.”
“For a guy, tapusin mo lahat ng gusto mong gawin. Make sure na may direksyon na ang buhay mo. So that ma-enjoy mo ang marriage… It's hard when you jump into a marriage and you're still looking for food to feed yourself,” dagdag pa ni Derek.
Bago pa ito, maraming bagay pa ang napag-usapan nina Toni at Derek tungkol sa personal na buhay ng huli.
Isa rin sa mga napagkwentuhan nila ay ang tungkol sa married life ng aktor at ni Ellen Adarna.
Sina Derek at Ellen ay ikinasal noong November 2021.
Samantala, patuloy na nakakatanggap ng papuri si Derek mula sa netizens kasunod ng kanyang mga naging pahayag sa naturang online talk show.