
Hindi napigilin na mag-react ng The Better Woman actor na si Derek Ramsay nang mabasa niya ang di kanais-nais na komento ng isang netizen patungkol sa Instagram post niya kay Bea Alonzo.
Grab PH draws flak for 6-seater promotional material
Last week, pumutok ang balita na hiwalay na ang showbiz couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Nadadawit din ang pangalan ni Julia Barretto na anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla na "third party" diumano sa relasyon.
Sa isang panayam na inupload sa Tonight With Boy Abunda Instagram page, nilinaw ni Bea na wala silang formal breakup ng Kapamilya actor at sinabi nito na bigla na lang pinutol ni Gerald ang kanilang komunikasyon.
Makikita naman sa Instagram post ni Derek na nagbigay ito ng message of support kay Bea.
Saad ng Kapuso leading man, “One of the strongest, smartest and talented women i know. You are amazing @beaalonzo Keep smiling!!!!!!”
Pero tila hindi nagustuhan ni Derek ang bastos na komento ng netizen na si @christton.jpg sa Instagram post niya.
Basahin ang reply ng Kapuso actor.
Huling nakatrabaho ni Derek Ramsay si Bea Alonzo sa pelikulang 'Kasal' noong 2018.