What's Hot

Derrick Monasterio aminadong na-conscious ng isinuot ang kaniyang 'Tsuperhero' costume

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 5, 2020 5:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 20, 2026
Awarding Ceremony sa mga Nakadaog sa Sinulog Grand Parade 2026, Gipahigayon | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nga ba siya nailang?


Aminado ang Kapuso hottie na si Derrick Monasterio na hindi niya maiwasang mailang nung una niyang isinuot ang costume niya sa highly-anticipated Pinoy superhero comedy show na Tsuperhero.

Nabanggit ito ni Derrick nang makapanayam ng media sa press conference ng nasabing palabas na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong October 26.

Saad niya, “Na-conscious naman medyo. Una kong worry kasi ano eh ‘yung sa crotch area. 'Yung maging focus ‘yung baba alam mo ‘yun.”

Sa panel interview naikuwento rin ng Kapuso hunk ang naging reaksiyon ng kaniyang ka-love team na si Bea Binene nung una siyang makita na nakasuot ng Tsuperhero costume.

“Nung unang beses ko sinuot ‘yung costume, nakita ako ni Bea conscious na conscious. Hindi siya makasalita, 'tsaka ‘yung mata niya lumilikot (laughs).”

Natanong naman si Derrick ng entertainment press kung ano ang edge niya sa ibang mga aktor na dating gumanap bilang mga superhero.  

Sagot ng guwapong binata, “Mas bata po siguro, mas fresh. Kasi ‘yung superhero dati, if I am not mistaken, may mga nilalagay na parang mga padding kung saan-saan eh. Ako po wala.”

MORE ON 'TSUPERHERO':

Bea Binene on the DerBea love team: "Hindi kami scripted"  

EXCLUSIVE: Betong Sumaya nagkuwento kung papaano dinamayan ng buong 'Tsuperhero' cast si Alma Moreno sa pagsubok na kinakaharap nito

EXCLUSIVE: Gabby Concepcion pahinga muna sa mga heavy drama roles