GMA Logo Derrick Monasterio and Elle Villanueva
What's on TV

Derrick Monasterio and Elle Villanueva reveal the lessons they learned in 'Return To Paradise'

By Dianne Mariano
Published November 3, 2022 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio and Elle Villanueva


Ano nga ba ang mga aral na natutunan nina 'Return To Paradise' stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa kanilang pinagbibidahang serye?

Sa nalalapit na pagtatapos ng Return To Paradise, ibinahagi nina Sparkle stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva ang iba't ibang aral na kanilang natutunan sa pinagtambalan na programa.

Para kay Derrick, na gumaganap bilang Red Ramos, natutunan niya ang paggawa ng totoong koneksyon sa kanyang co-stars.

“Kailangan kausapin mo sila, maging close ka sa kanila para 'yung feelings totoo kasi nakikita ng mga tao 'yun, e.

“Luckily, nagawa ko naman 'yun kasi nakagawa ako ng connections sa co-stars ko. Kailangan talaga totoo 'yung feelings,” pagbabahagi niya sa ginanap na virtual media conference para sa finale ng Return To Paradise.

Gaya ng kanyang leading man, natutunan din ni Elle ang pagkakaroon ng koneksyon sa mga co-actor niya at pati na rin sa production team.

Aniya, “I think 'yung connection na 'yun, it helps you to be comfortable sa set na maglaro ng mga linya or paano mo aatakihin 'yung scene. 'Yun 'yung takeaway ko, 'yung building relationships and connections sa mga co-artist and sa production.”

Bukod dito, tiyak na mami-miss daw ng on-screen partners ang kanilang mga karakter, co-stars, at ang production team ng pinagbibidahan nilang serye.

Huwag palampasin ang finale episode ng Return To Paradise sa Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

SWEETEST MOMENTS OF DERRICK MONASTERIO AND ELLE VILLANUEVA: