What's on TV

Derrick Monasterio, Ashley Ortega at Melbelline Caluag, nag-share ng experience sa taping ng 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published December 19, 2020 11:33 AM PHT
Updated June 2, 2021 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Legal Wives cast


Ibinahagi nina Derrick Monasterio, Ashley Ortega at Melbelline Caluag ang mga karanasan nila sa taping ng upcoming series na 'Legal Wives.'

Masayang nag-kuwento sina Kapuso stars Derrick Monasterio, Ashley Ortega at Melbelline Caluag tungkol sa kanilang experience sa taping ng upcoming cultural drama series na Legal Wives.

Kapuso stars

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan may tatlong asawa ang isang lalaking Maranaw.

Tapok dito si Kapuso Drama King Dennis Trillo, kasama sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Bahagi din ng show si Derrick Monasterio na gaganap bilang love interest ng karakter ni Bianca.

Isang Kristiyano ang karakter ni Derrick habang Muslim naman ang karakter ni Bianca.

"Nagre-research ako kung ano 'yung mga 'dos and don'ts' kasi I have very little information lang as for my role, as for my character," kuwento ng aktor.

Isang araw pa lang siyang nakapag-tape para sa serye pero next year, mas matagal siyang bababad sa taping.

Naghahanda naman siya para dito sa pamamagitan ng pagtuloy na pagwo-workout ng apat hanggang limang beses sa isang linggo sa ipinagawa niyang home gym.

Samantala, masaya daw si Ashley Ortega na ma-reunite kay Bianca matapos nilang nagkatrabaho na sila sa GMA Telebabad series na Sahaya.

Gaganap kasi siya bilang si Mariam, isang kontrabida sa serye.

Ikinagagalak din daw niya ang makatrabaho ang mga beteranong aktor tulad nina Cherie Gil, Al Tantay, Irma Adlawan at marami pang iba sa Legal Wives.

"Sobrang saya nilang kasama. I get to learn a lot of things. Medyo kinikilig nga ko. I can not believe this. I'm in a conversation, in one table, eating breakfast with these people. Talang kinikilig ako at ang saya saya," pahayag niya.

Si The Clash season 1 graduate at XOXO member Melbelline Caluag, excited din na makasama sa Legal Wives.

Pangalawang drama series pa lang niya ito matapos gumanap bilang Melody sa Inagaw na Bituin kasama sina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

Gaganap si Melbelline bilang best friend ng karakter ni Bianca sa serye.

Malaking daw ang tulong na naibibigay ni Bianca sa kanya tuwing magka-eksena sila.

"Sobrang bait po niya. Talagang tinutulungan niya po ako sa lahat ng mga eksena namin. Kasi medyo baguhan pa rin po ako, medyo kinakabahan pa rin po ako," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.