GMA Logo Derrick Monasterio and Elle Villanueva
source: _ellevillanueva/IG
What's on TV

Derrick Monasterio at Elle Villanueva, naging malaking inspirasyon ang isa't isa

By Kristian Eric Javier
Published January 3, 2024 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio and Elle Villanueva


Derrick Monasterio, aminadong mas napabuti ang buhay nang makilala si Elle Villanueva.

Aminado ang reel-to-real-life sweethearts na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na naging mas mabuti ang buhay nila simula nang makilala ang isa't isa. Dagdag pa ng dalawa, mas naging inspired din sila na gawin ang kanilang bagong serye na Makiling.

Sa interview nila kay Nelson Canlas sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, ibinahagi ni Derrick kung papaano naging mas mabuti ang lahat ng aspeto ng kaniyang buhay simula nang makilala si Elle.

“Mas naging mature ' yung mga decisions ko, mga financial decisions, relationships with people, commitment to my craft, mas lahat may blueprint na, na alam ko na 'yung gagawin ko nung na-meet ko siya,” pagbabahagi ng aktor.

Pagdating naman sa kanilang relationship, inamin ni Derrick na kahit may kasunduan na sila noon ni Elle na 'wag nang makipag-date sa iba, ay hindi muna nila nilagyan ito ng label.

“Pero as time passed by, parang naglagay din kami ng label,” sabi niya.

Nang tanungin sila kung gaano ka-importante para sa kanila ang label sa isang relationship, ang sagot ni Elle, “Important kasi talaga siya sa lahat ng relationship.”

Paliwanag ng aktres, “Kahit anong relationship na meron ka with other people because it defines your boundaries and your objective with someone, and hanggang saan dapat 'yung papatunguhin nung relationship.”

BALIKAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA DERRICK AT ELLE SA GALLERY NA ITO:

Samantala, inamin nina Elle at Derrick na mas naging inspired sila na gawin ang Makiling dahil sa naging mga experience nila ngayong taon at para sa aktres, isang pribelehiyo ang gampanan ang role niyang si Amira.

“Kasi it opened up me to feelings that I didn't know that was there and it made me understand people kung bakit nila nagagawa 'yung mga actions na 'yun,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Elle, “Kapag victim ka, gusto nila nakikita sa 'yo, inosente ka. Pero ang reality is hindi naman perfect ang victim, may mga mali rin naman sila so it opened up me to that perspective.”

Ngayong 2024, vision board ang ginawa nina Elle at Derrick imbis na New Year's resolution. Ayon sa aktor ay gusto niyang mas galingan pa sa financial investments lalo na at ilang beses na siya umano na-scam.

Para naman kay Elle, ang main goal niya ngayon taon ay bumili ng lupa.

“'Yun 'yung pinaka goal ko this year din. I wanna invest sa lots,” sabi niya.