
"Bagong taon, bagong kabanata."
Iyan ang isa sa mga kasabihang madalas sabihin ng netizens sa pagsalubong ng Taong 2025.
Marami ang umaasa sa mga bagong achievements at alaala na kanilang makakamtan sa bagong taon.
Kabilang dito ang Kapuso celebrities na excited na sa kanilang upcoming projects, adventures, at achievements. Ibinahagi rin ng ilan sa kanila ang kanilang mga pangarap, hindi lamang sa kanilang showbiz career, kung hindi pati na rin sa kanilang personal na buhay.
Ang Kapuso real-life couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, handa na ang kanilang New Year's resolutions para sa 2025.
Ayon kay Derrick, layunin niyang mas mapabuti ang kanyang disiplina sa oras. Patuloy niya raw sisikaping matulog nang maaga at siguraduhing sundin ang kanilang ibinigay na call time. "Siguro huwag ma-late, iyon talaga. Kasi parang ang pangit na habit na iyon and siguro wake up early rin," pahayag ni Derrick.
Samantala, nais ni Elle na subukan ang bagong hobbies ngayong taon at magpatuloy sa pagpapabuti ng sarili. "New Year's resolution ko hindi ko siya ginagawa every year so parang kung ano lang nakikita kong kailangan i-improve. So maybe [this] year I'll try more things maybe have another hobby. Let's say golfing," ani Elle.
Pagdating sa kanilang career, parehong pangarap nina Derrick at Elle na muling magsama sa isang proyekto. Bukod dito, nais nilang subukan ang action genre na ang kanilang mga karakter ay parang spy agents. "Action! Action parang Mr. and Mrs. Smith 'yung vibe," sagot nilang magkasabay.
Isa pang layunin nila ngayong taon ay makabiyahe sa ibang bansa at makakita ng Northern Lights nang magkasama.
Noong nakaraang taon, tampok ang Kapuso couple sa Kapuso drama series na Makiling at nagkaroon din sila ng special participation sa GMA hit prime series na Pulang Araw.
Tingnan ang sweet photos nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa gallery na ito: