GMA Logo Derrick Monasterio and Elle Villanueva
Source: derrickmonasterio/IG
Celebrity Life

Derrick Monasterio at Elle Villanueva on their relationship status: 'What you see is what you get'

By Kristian Eric Javier
Published March 31, 2023 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

P1.224-M worth of illegal firecrackers seized ahead of New Year revelry – PNP
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio and Elle Villanueva


Alamin ang sagot nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa tanong kung ano na ang status ng relationship nila.

Dahil marami nang nakakapansin sa closeness ng dating Return to Paradise stars na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, tanong na rin karamihan kung ano nga ba ang official status ng dalawa. At ang sagot nila, “What you see is what you get.”

a interview ng dalawa kay Lhar Santiago para sa “Chika Minute,” tinanong kung kailan ba sila aamin sa totoong status nila at ang sagot naman ni Elle, “Kung may aaminin.”

Ayon naman kay Derrick, “What you see is what you get. Hindi naman namin dini-deny yung feelings namin with each other, hindi rin naman namin tinatago.”

“Basta comfortable kami sa isa't isa and may care kami sa isa't isa,” dagdag pa ng aktor.

Nasa Siargao ang dalawa ngayon para makalahok si Derrick sa kanyang CrossFit competition, isang fitness regimen na pinagsasama ang physical fitness at competitive fitness sport, na pinaghandaan ng husto ng aktor.

“Ito na siguro yung pinaka-prepared ko kasi andami ko ring ginawa na mga kung ano-ano pa, mga rehab-rehab, diet-diet, mga ganun. Nasa peak performance ako so sana makakuha tayo ng medal,” sabi nito.

Sa Siargao na rin pinaplano ng dalawa magbakasyon para sa Holy Week.

At dahil summer na, nagbigay naman ang dalawang stars ng OOTD tips na bagay para sa tag-init.

Ayon kay Derrick, “Dapat meron silang mga sleeveless, dapat hindi makapal yung tela, importante din na may pagka-light 'yung color ng damit para ma-reflect yung sun kasi pag black, mainit.”

Dagdag pa nito, “Tapos flowy, para magmukha kang matangkad sa pictures.”

Para naman kay Elle, maganda ang plain-looking na mga damit. “Parang I want to put more colors and patterns to it. Pag summer, mahilig ako maglaro with colors.”

Sinabi rin ng dalawa ang importansya ng skin care lalo na sa tag-init.

“When it comes to protection from the sun and aging, 'yun talaga 'yung number one na gusto namin na benefit ng sunblock,” sabi ni Elle, habang idinagdag naman ni Derrick ang kakayahan ng ibang mga sunblock na mag-moisturize ng balat.

TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA DERRICK AT ELLE SA GALLERY NA ITO: