
Sina Derrick Monasterio at Kimson Tan ang maghaharap sa exciting Tuesday fresh episode ng Family Feud!
Ngayong June 16, tapatan ng theater royalty at tight-knit Filipino-Chinese family ang masasaksihan.
Pangungunahan ng Kapuso actor at singer na si Derrick Monasterio ang Team Ibarra. Bukod sa pagiging isa sa mga hinahangaang leading men, gagampanan niya ang iconic na karakter na si Crisostomo Ibarra sa inaabangang musical na Ibarra… Ngayon. Isa itong espesyal na pagbabalik ni Derrick pitong taon matapos ang kaniyang theatrical debut sa PETA musical na Rak of Aegis.
Kasama ni Derrick ang ilan sa mga pinakamahuhusay na personalidad sa teatro. Kabilang dito si Andrea Stevenson na magbibigay-buhay sa karakter ni Maria Clara, ang opera soprano at 2007 Presidential Awardee for Culture and the Arts na si Sheila Ferrer bilang Sisa, at ang multi-awarded director na si Frannie Zamora, na naghatid ng matagumpay na pagtatanghal ng Ibarra na nagwagi ng siyam na parangal sa 36th Aliw Awards.
Samantala, ipakikita ng Team Tan ang pagiging business savvy, kanilang family loyalty, at athletic credentials. Pinangungunahan ito ng model, entrepreneur, vlogger, dating UST basketball player, at Sparkle artist na si Kimson Tan. Kasama niya ang kaniyang mga malalapit na kamag-anak na handang ipakita ang kanilang talino at diskarte sa Family Feud stage.
Kabilang sa kaniyang team si Kristine Tan, ang kapatid na tumutulong sa paghawak ng kaniyang financial affairs; si Tyrone Tan, ang pinsan ni Kimson, Sparkle artist, at reigning Mr. Chinatown Philippines 2025; at si Anson Tan, isa ring pinsan at dating basketball player.
Sino kaya ang mananaig sa survey board? Tutok na sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 16, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.