What's on TV

Derrick Monasterio at Migo Adecer, competitive sa kanilang guesting sa 'TBATS'

By Cherry Sun
Published December 15, 2020 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Migo Adecer and Derrick Monasterio


Ang dalawang Kapuso heartthrobs ang nakasama nina Boobay at Tekla sa kulitan sa 'The Boobay and Tekla Show.' Balikan ang December 13 episode dito.

Flex kung flex ang muscle nina Derrick Monasterio at Migo Adecer sa pakikipagkulitan sa fun-tastic duo at The Mema Squad sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, December 13.

Migo Adecer and Derrick Monasterio

Ang dalawang Kapuso heartthrobs ang special guests sa dalawang segments sa TBATS. Para sa ginawa nilang laro, teammates ni Derrick sina Tekla, Boobsie Wonderland at Jessa Chichirita, habang sina Boobay, Skelly Clarkson at Belly Flawless nama ang kagrupo ni Migo.

Una silang sumalang sa bagong segment na 'Wag na 'Wag Mong Sasabihin.' Ang challenge dito ay paramihan sila ng sagot sa isang kategorya habang iniiwasang banggitin ang isang salita. Ang matatalo, kailangang kumain ng exotic food.

Panoorin ang kanilang competitive na laro sa video sa itaas.

Ang parehong teams din ang nagtapat sa laro ng 'Don't English Me.'

Samantala, nakasama nina Boobay at Tekla ang The Mema Squad sa segment na Christmas unboxing. Isa-isa nilang binuksan ang mga regalo mula sa kanilang fans at talaga namang ikinawindang nila ang kanilang mga natanggap.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapus Mo, Jessica Soho.

Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: