GMA Logo Derrick Monasterio
What's on TV

Derrick Monasterio, sumalang sa 'Blind Item' segment ng 'TBATS'

By Cherry Sun
Published September 23, 2019 2:50 PM PHT
Updated April 29, 2020 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio


Si Derrick Monasterio ang unang celebrity na napasubo sa 'Blind Item' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS). Muling napanood ang episode na ito nitong Linggo, April 26.

Bumalik sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, September 22 si Derrick Monasterio para sa pinakabagong segment ng programa.

Noong June 30, napanood sa TBATS si Derrick nang maging kakuntsaba siya ng fun-tastic duo sa 'Pranking in Tandem' segment.

WATCH: Derrick Monasterio, nang-scam sa 'TBATS' | Ep. 22

Nitong Linggo, balik-TBATS muli ang actor-singer para naman sa segment na 'Blind Item.' Sa bagong challenge, isang item ang naka-flash sa screen na hindi pwedeng makita ni Derrick. Pero susubukan niyang sagutin ang mga tanong tungkol dito.


Samantala, isa pang bagong segment ang napanood nitong Linggo. Tatlong Tekla-wannabes ang bumida sa 'The Tekla Look-alike Contest.' Sino kaya sa contestants ang makakakuha ng approval ng komedyanteng ginagaya nila?


Sa 'TBATS on the Street,' nahasa ang pagsalin sa inggles ng ilang kataga ng mga Kapuso sa kalsada. Sa parody naman ng Kapuso Mo, Jessica Soho, natunghayan ang kuwento ng beshies na sina Shasha at Chloe na nagtipid para gumanda pero nagoyo lamang ng murang home service rebond.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!