
Blessed ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio na napasama sa cast ng GMA's first Viu Original series na SLAY.
Isang blessing para sa aktor ang bagong proyekto dahil, aniya, "hinandpicked" mismo sila ng GMA at Viu Original para sa pinakabagong murder mystery drama.
Ayon kay Derrick, pinaghandaan niyang mabuti ang challenging na role sa SLAY, kung saan makikilala siya bilang Zach, ang fitness influencer na nasunog at namatay.
"I worked hard promise. Inaral ko talaga 'yung role ko and kinausap ko talaga silang lahat. Hinanap ko talaga 'yung similarities and differences ko with other characters," sabi ni Derrick sa interview ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.
"Mayroon siyang baggage si Zach na kine-carry. May bubog kaya siya naging ganu'n. And, sobrang creepy kung ano 'yung backstory niya," dagdag ng aktor tungkol sa kanyang pagbibidahang karakter.
Makakasama ni Derrick sa SLAY ang leading ladies na sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv.
Mga bibida sa 'SLAY,' ipinakilala ng Viu at GMA sa media conference
Ilan pa sa mahuhusay na artista na makakatrabaho niya sa serye ay sina Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Abangan ang SLAY sa GMA Prime ngayong March 24.
Panoorin ang teaser ng GMA para sa SLAY sa video na ito: