GMA Logo Derrick Monasterio and Elle Villanueva
PHOTO SOURCE: @derrickmonasterio
What's on TV

Derrick Monasterio calls Elle Villanueva 'the one'

By Maine Aquino
Published June 28, 2024 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio and Elle Villanueva


Alamin kung bakit nasabi ni Derrick Monasterio na si Elle Villanueva na ang kaniyang "the one."

Confident si Derrick Monasterio sa pagsabing ang girlfriend niyang si Elle Villanueva na ang kaniyang "the one."

Inamin ito ni Derrick sa kaniyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? Tanong ng host ng programa na si Carmina Villarroel, "siya na talaga?"

Diretsong tugon ni Derrick, "Oo, hundred percent."


Sa programa, inamin ni Derrick kung ano ang mga katangian ni Elle na kaniyang minahal.

Ani Derrick, "Mature, very mature. Gina-guide mo ako papunta sa tamang landas at alam mo kung paano ilalabas 'yung best self ko, 'yung best Derrick na hindi ko nakikita dati sa sarili ko. Ngayon sobrang nag-improve ako as a person. I'm a newer, better version of myself because of you."

Ayon kay Derrick dahil kay Elle ay natutunan niyang mahalin ang pag-arte.

"Nakakatuwa dahil sa kaniya kasi parang natutunan ko rin mahalin 'yung work ko. I started kasi with Tween Hearts so mga bata kami talaga. Parang it's a big playground na parang nilalaro lang namin lahat. Parang doon ako nasanay. Tapos sinasabi ko sa sarili ko na aayusin ko na talaga 'to. Gagalingan ko na talaga 'to, pero hindi siya talaga buo."

Kuwento ni Derrick ay na-inspire siya sa dedication at passion ni Elle sa pag-arte.

"Noong na-meet ko si Elle, nakita ko 'yung passion niya sa acting at kung gaano siya ka-willing matuto. Sabi ko gusto ko ng ganito. Mamahalin ko 'to for you. Hanggang sa namahal ko na siya na fully na ako na nagyayaya sa kaniya na tara let's train together."

Isa pa sa napag-usapan sa hot seat segment kay Derrick ay tungkol sa balitang live in na sila ni Elle.

Tanong kay Derrick, "May mga lumalabas daw na mga bali-balita na you guys are living together na parang mag-asawa na kayo. Totoo ba 'yan or hindi?"

Sagot ni Derrick, "Hindi naman siya living together, ano lang siya sleepovers."

Paliwanag ni Derrick ito raw ay para malaman nila ang dynamics nila as a couple.

"Para malaman mo na siya na talaga kailangan magsama kayo ng onti kasi paano 'yung dynamics ninyo 'pag matagal na kayo magkasama."




NARITO ANG SWEETEST MOMENTS NINA DERRICK AT ELLE: