
Hindi maiwasan ng real-life Kapuso couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na maging emosyonal nang sambitin nila ang kanilang mga pangako para sa isa't isa. Sabi pa ng aktres, tila ikinakasal na sila ng kaniyang long-time boyfriend dahil sa mga pangakong binitiwan nila.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, February 27, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang mga pangako nila para sa isa't isa.
Ani Derrick, “My promise to you, love, is I'm gonna be a good provider, I'm gonna treat you the way you're supposed to be treated, and hindi ko kakalimutan 'yung value mo kung paano ka pinalaki.”
Sabi naman ni Elle, “Ako naman, promise ko sa 'yo, forever kitang mamahalin, forever kitang iintindihin at aalagaan, hindi kita papabayaan.”
Hindi naman napigilian nina Derrick at Elle na maging emosyonal. Sa katuanyan, napaluha pa ang aktor dahil na-touch siya sa kanilang mga pangako.
“Nakaka-touch lang kasi finally, sa tagal, sa dami ng dumaan sa 'kin, parang, at least, nahanap ko na and ang swerte ko talaga,” sabi ni Derrick.
TINGNAN ANG ILAN SA SWEETEST TRAVEL PHOTOS NINA DERRICK AT ELLE SA GALLERY NA ITO:
Samantala, tinanong din ng batikang host sina Derrick at Elle limang taon mula ngayon. Dito, sinabi ng aktor na sana ay kasal na sila ng Sparkle 10 star. Nakikita rin naman ni Elle na si Derrick pa rin ang kasama niya pagkatapos ng limang taon.
Ngunit pag-amin ng aktres, hindi pa siya handang magkaroon ng anak, kahit alam niyang nasa edad na siya kung kailan unti-unti na siyang mahihirapan.
“'Yun 'yung pressure sa babae, 'yung age, 'yung timeline, to get pregnant. But then, I would think it's hard nowadays. Takot akong mag-raise ng bata considering na gan'to 'yung gobyerno, ang political side natin, iba, so 'yun lang naman 'yung iniisip ko kung bakit heistant pa 'ko,” sabi ni Elle.