
Muling nagbabalik-entablado si Derrick Monasterio sa isang obra maestrang musical matapos ang kanyang huling pagganap sa “Rak of Aegis.”
Ayon sa report ni Nelson Canlas noong Miyerkules, April 15, nagsisimula nang maghanda si Derrick para sa kanyang papel bilang Ibarra sa “Ibarra… Ngayon” na musical ni Jomar Fleras.
“Ginawa ko pa lang now is 'yung mga payo pa lang niya sa books, sa YouTube, mga ganon. Pero 'yun dapat kong panoorin 'yung Maria Clara at Ibarra,” sabi ng aktor.
Dagdag pa niya, “Matinding aralan lang talaga siya sa characterization.”
Ibinahagi rin ng Kapuso actor na kasabay ng kanyang rehearsals para sa musical ay ang tumitinding mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.
Para kay Derrick, mas lalo pa siyang nae-excite sa mga susunod na aabangan ng viewers.
“As anak, nandito na kami sa point na mahuhuli ko 'yung ginagawa niya. So, ano 'yung mga reaksyon ko, anong mga mangyayari, ano bang magbabago sa family dynamics,” aniya.
Abangan si Derrick sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas:
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Derrick Monasterio's career accomplishments