GMA Logo Derrick Monasterio as Zach in Slay
What's on TV

Derrick Monasterio, makikilala bilang Zach sa murder mystery series na 'SLAY'

By Aimee Anoc
Published March 23, 2025 5:58 PM PHT
Updated March 23, 2025 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio as Zach in Slay


Abangan si Derrick Monasterio bilang Zach, ang fitness influencer na nasunog at namatay sa pinakabagong murder mystery series na 'SLAY,' ngayong Lunes sa GMA.

Umaapaw ang excitement ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio para sa kanyang challenging na role sa pinakabagong murder mystery series na SLAY.

Ani Derrick, ito ang unang pagkakataon na gumanap siya sa isang karakter na ibang-iba sa kanyang past roles.

Sa SLAY, makikilala si Derrick bilang Zach, ang fitness influencer na nasunog at namatay.

"SI Zach is a very self-centered person. Gusto niya siya 'yung alpha lagi, gusto niya it's all about himself," paglalarawan ni Derrick sa role sa SLAY sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras.

Ibinahagi rin ni Derrick kung paano siya nakaka-relate kay Zach. Aniya, "Nakaka-relate ako siguro kasi noong 2022, 23 years old ako, dumaan ako sa point na feeling ko ako 'yung king, ganu'n, sa totoong buhay.

"Nagbago naman 'yon, buti na lang nakahanap ako ng way para i-rechannel at i-retrigger 'yung ganoong vibe ko rati."

Una nang ipinarating ni Derrick sa nagdaang interviews na pinaghandaan niyang mabuti ang role sa SLAY, kung saan, aniya, inaral niya itong mabuti at kinausap niya ang mga katrabaho sa serye.

Makakasama ni Derrick Monasterio sa SLAY ang leading ladies na sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv.

RELATED CONTENT: Here's what happened at the GMA media conference for 'SLAY'

Ilan pa sa mga bituin na bubuo sa serye ay sina Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.

Abangan ang TV premiere ng SLAY ngayong Lunes, March 24, 9:25 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.

Panoorin ang trailer ng SLAY sa video na ito: