
Si Alyana Asistio ang magbabantay at magpoprotekta kay Derrick Monasterio sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, December 10.
Gaganap si Alyana bilang si Barbie. Babaeng-babae man ang kanyang pangalan, siya naman ay sobrang palaban. Maipapakita niya ito nang saluhin niya ang trabaho ng kanyang Tatay Guding (Antonio Aquitania) matapos itong mapilayan.
Magtatrabaho si Barbie bilang bodyguard ng guwapo pero pilyong si Joaquin (Derrick). Dahil kay Joaquin ay talaga namang sasakit ang ulo niya. Pero paano kung may ma-develop sa pagitan nila?
Maprotektahan kaya ni Barbie ang puso niya?
Kiligin at ma-excite sa kuwentuwaang pinamagatang ‘Babe Bodyguard’ sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology, ang Dear Uge, ngayong Linggo, December 10.