
Aware ang Kapuso hunk/singer na si Derrick Monasterio na hindi lahat ay aprub sa pagganap niya bilang Tolits sa hit Pinoy musical na Rak of Aegis.
Inamin ni Derrick sa panayam niya kasama ang entertainment press sa grand media conference ng bagong show niya na Beautiful Justice na nakarating sa kanya ang ilang bad reviews sa pagganap niya sa musical.
Wika ng Kapuso actor, “May mga hindi rin magandang feedback. Kasi nagbabasa ako ng mga comments ng mga tao na parang hindi daw ako bagay sa role.”
“Kasi usually underdog daw si Tolits sabi sa akin, so hindi daw ako mukhang underdog kasi ang laki ko daw tao.”
Hindi naman ito naka-apekto dahil 'di hamak na mas maraming natutuwa sa performance niya bilang Tolits.
“Tsaka mas marami naman good comments kesa sa bad, bihira lang 'yung bad comments,” ani Derrick.
Kaabang-abang din ang bagong GMA primetime series niya na Beautiful Justice kung saan gaganap siya bilang isang PDEA agent.
Looking forward siya na makita ng viewers ang role niya bilang si Lance Decena.
“Isa akong PDEA agent, boyfriend ako ni Gabbi Garcia. I'm not totally good na agent, so 'yun 'yung kailangan nilang abangan kung anong secrets mayrun ako.
“This is very different! Kasi may character is very mature and it has a lot of dimensions na hindi lang siya mabait. It's my first hardcore action show, next to Tsuperhero, of course, pero it's a fantasy.
“So, ito 'yung seryosong action, seryosong acting so iba. Every show naman dapat iba,”
Kakampi o kalaban ba si Lance Decena?
Alamin ang tunay niyang pagkatao sa world premiere ng GMA Telebabad series na Beautiful Justice showing na this Monday, September 9.
Head writer Des Garbes-Severino on 'Beautiful Justice': 'Hindi ko pa siya nagagawa before'
LOOK: Intense Krav Maga training of stars from 'Beautiful Justice'