Celebrity Life

Derrick Monasterio, nagamit ang Psychology lessons para sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 11:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News



Nakatakdang sumabak si Derrick sa isang kakaibang drama kung saan makakatambal niya si Bea Binene.


By MARAH RUIZ
 

 

A photo posted by @derrickmonasterio on

Linggo-linggong naghahatid ng mga halakhak sa Vampire ang Daddy Ko ang Kapuso love team nina Derrick Monasterio at Bea Binene.

Nakatakda namang sumabak ang dalawa sa mas mature na roles sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli.

READ: Bea Binene, gaganap bilang taong asal-hayop sa 'Hanggang Makita Kang Muli' 

Si Bea ay gaganap bilang si Ana na maki-kidnap noong siya ay bata pa at lalaking walang kasama kundi isang aso. Si Derrick naman ang magiging daan sa kanyang pagbabago.

"My character's name is Calvin. I'm a Psychology student na mae-encounter ko si Ana during a hike. Siya 'yung magiging subject ko sa study ko," kuwento ni Derrick sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.

"Eventually, I'll be her savior. Tapos ako rin 'yung magbabago sa kanya from a feral child to a normal human being," dagdag pa nito.

Ano namang mga preparasyon ang ginawa ni Derrick para sa kanyang role?

"May course kasi ako na Psychology so medyo may advantage na ng konti. Nag-research [ako] regarding Bea's role—regarding kung paano ko iha-handle ang isang feral child," saad niya.

"Kasi communicating with a different living thing is iba eh. Iba 'yung signal na ibibigay mo sa kanila eh. They might interpret your actions as a threat. Kumbaga, kailangan maingat and more cautious," paliwanag ni Derrick.

Inamin naman ni Derrick na baging challenging para sa kanya ang mga eksena nila ni Bea.

READ: Derrick Monasterio, thankful sa pamamayagpag ng career 

"Mahirap maka-relate sa kanya (Ana) kasi walang eye to eye contact. Kasi dog nga siya eh so aloof, kumbaga. Tapos ako, kailangan kong maka-connect sa kanya kahit hindi kami nagtitinginan," bahagi niya.

Abangan si Derrick bilang si Calvin sa Hanggang Makita Kang Muli, malapit na sa GMA Afternoon Prime.