GMA Logo derrick monasterio and elle villanueva
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's Hot

Derrick Monasterio, nakita ang halaga ni Elle Villanueva; tinalikuran ang pagiging babaero

By Kristian Eric Javier
Published February 28, 2026 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Kath Santos returns as streaking San Sebastian upsets Mapua
Duterte camp believes ICC pre-trial judges will make 'right decision'
100 beneficiaries, nahandugan ng libreng pustiso sa ilalim ng GMAKF "Ngiting Kapuso Project"

Article Inside Page


Showbiz News

derrick monasterio and elle villanueva


Derrick Monasterio nang makita ang halaga ni Elle Villanueva: 'Doon na ako nagbago talaga.'

Aminado si Derrick Monasterio na may mga kinakausap pa rin siya noon na ibang mga babae nang makikipagmabutihan siya kay Elle Villanueva. Ngunit noong makita niya ang halaga ng aktres, mas pinagtuunan niya ito ng pansin at tinalikuran ang pagiging babaero.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, binalikan nina Elle at Derrick kung papaano nagsimula ang relasyon nila sa isang workshop.

Nagme-message daw noon si Derrick kay Elle at nagco-comment sa mga social media story nito. Kaya lang, hindi naman nagre-reply ang aktres.

Paliwanag ni Elle, “Nagre-reply siya sa mga story ko ng mga emoji na hot, ganiyan. Hindi ko siya pinapansin kasi may boyfriend ako nu'n.”

Ngunit sa mismong araw ng workshop, nag-message na sa wakas si Elle kay Derrick para tanungin kung tutuloy ba ito sa workshop. Ayaw kasi niya sanang tumuloy dahil galing sa taping at puyat siya.

“Kinokuntsaba ko siya. Pero feeling niya, ngayon, ha? Ngayon na nag-uusap kami, akala niya, type ko siya. My gosh!” sabi ni Elle.

Dito, inamin ni Derrick, “Oh my gosh. Kasi before, Tito Boy, nung time na parang nagiging close na kami... Siyempre, bata pa ako, lumalandi pa ako sa iba. 'Tapos nagagalit siya sa 'kin.”

Paglilinaw naman ni Elle, wala pa silang label noon, pero nagpapakita na ng motibo ang aktor sa kaniya. Sabi ng aktres, sobrang sweet sa kaniya ni Derrick.

“That time, nagbibigay siya ng mga signals na iho-holding hands niya ako. 'Tapos [ako], 'Bakit?' Iniisip ko, 'Ano 'to, method acting?' Gusto niya parang kami. Sweet siya behind the scenes, sobrang sweet niya. Binibilhan niya ako ng kung ano-ano, talagang parang nanliligaw,” sabi ni Elle.

Ngunit sabi ng aktres, “Pero pagdating sa labas, makikita ko, 'Ay, may kasama siyang ibang girl!' So sabi ko, 'Ah, okay, sige. I'll play your game, I'll play your game. Ikaw ang mahuhulog sa 'kin muna.' Ayan, nahulog.”

BALIKAN ANG SWEETEST TRAVEL PHOTOS NINA ELLE AT DERRICK SA GALLERY NA ITO:

Simula noon ay hindi na pinansin ni Elle si Derrick at kahit ano'ng sumbong umano nito sa managers at gaano kahaba ang message nito sa kaniya, hinahayaan lang ng aktres ito.

“Tapos, hanggang sa parang sincere na talaga siya na 'I'll do everything, magbabago ako, and all that.' Siyempre, hindi pa rin ako naniwala. Sabi ko, 'Sige, try natin, one week, I'll give you a chance,'” sabi ni Elle.

Hindi pa man buong-buo ang tiwala noon ni Elle, nilinaw naman ni Derrick na “complete turn around” ang ugali niya noong minessage niya ang aktres.

“Siguro at that time, hindi ko pa talaga nakikita 'yung totoong value ni Elle nu'ng time na 'yun. Pero nu'ng nakita ko na, I got to know her a little deeper, doon na ako nagbago talaga,” sabi ni Derrick

Panoorin ang panayam kina Elle at Derrick dito: