GMA Logo Derrick Monasterio in TBATS
What's on TV

Derrick Monasterio, nang-scam sa 'TBATS'

By Cherry Sun
Published July 2, 2019 11:19 AM PHT
Updated September 7, 2020 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio in TBATS


'Yung akala mong ikaw ang magkakapera sa pagpasok mo sa pag-aartista, tapos abunado ka pa! Ganyan ang mararanasan ng mga biktima ni Derrick Monasterio sa 'Pranking in Tandem' segment ng 'The Boobay and Tekla Show' (TBATS)!

Auditions-turned-networking! Ganyan ang naging eksena sa panggu-good time ni Derrick Monasterio sa September 6 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Si Derrick ang nambiktima ng aspiring comedians sa 'Pranking in Tandem' segment ng TBATS. Ang akala nila, mag-o-audition sila para maging mga komedyante pero ang hindi nila alam ay bebentahan pala sila ng aktor ng Nature's Miracle beauty products. Makatawa pa kaya sila kung sa huli ay pipilitin din silang magbayad ni Derrick?

Sa segment na 'Sasagutin o Kakainin,' pinainit nina Clint Bondad at Ethel Booba ang studio sa tahasang pagsagot ng controversial questions at sa pag-strip down nang iwasan naman ang katanungan.

Tapatan naman ng dalawang Kris Aquino impersonators na sina Divine Tetay at Krissy Achino sa 'TBATS na, Debate pa.' Magbiro sa lasing o magbiro sa bagong gising? Hotdog o itlog sa umaga? Mapapatawa ka sa kanilang palitan ng pananaw na puro kalokohan!

Sa 'TBATS on the Street,' sinubok ng fun-tastic duo ang general knowledge ng ating mga kababayan. Nasubok din ang pagmamahalan ng chatmates na sina Maricar at Boyet sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody na kinatampukan nina Boobay at Tekla.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!