
"Hindi po ako nanliligaw kay Bea. Sobrang close lang namin. 'Yung closeness namin, nami-mistake nila as panliligaw." - Derrick Monasterio

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Hindi daw nanliligaw si Kapuso hunk Derrick Monasterio sa kanyang Hanggang Makita Kang Muli co-star na si Bea Binene.
Nilinaw niya ang bagay na ito sa Facebook Live chat kasama ang kanyang Hanggang Makita Kang Muli co-stars na sina Bea, Kim Rodriguez at Jak Roberto.
Bea Binene hindi raw madaling ma-fall sa kanyang leading man
"Hindi po ako nanliligaw kay Bea. Sobrang close lang namin. 'Yung closeness namin, nami-mistake nila as panliligaw," bahagi nito.
Sinuportahan naman ni Bea ang sinabi ni Derrick.
"Kasi si Derrick is one of my closest friends talaga," pagsang-ayon nito.
Gayunpaman, nakakaramdam pa rin daw si Derrick ng kilig sa kanilang mga eksena ni Bea sa kanilang afternoon soap.
"Kinikilig ako kay Angela, hindi kay Bea. Kasi ibang-iba umarte si Bea. Hindi niya nakukuha 'yung Bea kapag nasa camera eh. Si Angela siya kapag nasa camera. Doon ako kinikilig," paglilinaw niya.
Nagkulitan naman ang dalawa nang tanungin tungkol sa kanilang mga kissing scenes.
"Kinilig yan!" patukoy ni Derrick kay Bea.
"Hindi kaya!" agad namang sagot nito.
Hanggang Makita Kang Muli: First kiss and the falling star
Naalala naman ni Derrick ang unang onscreen kiss nila ng ka-love team.
"After nung kiss namin parang naging ano siya sa akin, parang naging ma-alaga. Sabi niya, 'Uy Derrick okay ka lang ba? Kumain ka na ba?'" kuwento nito.
"Hindi totoo!" pagkontra naman ni Bea.
Balikan ang kanilang Facebook Live Chat:
MORE ON DERRICK MONASTERIO:
Ano ang pinakamagandang show na nagawa ni Derrick Monasterio
LOOK: Derrick Monasterio skin regimen