
Madaling nakapalagayan ng loob ni Kapuso actor/singer Derrick Monasterio ang bago niyang leading lady sa Beautiful Justice na si Gabbi Garcia.
Gaganap sila bilang ang magkasintahang Lance at Brie sa Kapuso drama-action series na mapapanood simula September 9 sa GMA Telebabad.
Sa panayam ni Derrick sa Chika Minute, ibinahagi nito kung bakit masaya ka-bonding ang Kapuso actress.
"Para siyang part ng Tween Hearts before, like, 'yung personality niya. Makulit din siya off cam. Siguro I can stay in one tent with just Gabbi and talk about like random stuff na hindi ako mabo-bore," saad ng Kapuso actor.
Ibang klase din daw ang kaba na nararamdaman niya kapag gumagawa siya ng action scenes sa Beautiful Justice.
Paliwanag ni Derrick, "'Yung puso ko du'n sa eksena, Dug-dug-dug-dug-dug! Totoo rin talaga 'yung nangyayari na 'yung kaba na nararamdaman ko,"
Pinuri din niya kung gaano kapulido sa mga eksena ang direktor nilang si Mark Reyes, na pinapaulit ang mga eksena kung kinakailangan.
"'Pag ayaw niya talaga, uulitin namin talaga lahat. Kasi gusto niya talagang maging maganda 'yung pilot namin," ayon pa sa aktor.
Ano ang lihim na tinatago ni Lance Decena? Kilalanin siya sa Beautiful Justice simula September 9 sa GMA Telebabad.
Head writer Des Garbes-Severino on 'Beautiful Justice': 'Hindi ko pa siya nagagawa before'