What's Hot

Derrick Monasterio, pinapanood muli ang 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published May 2, 2026 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lending firm collector, itinumba ng riding in tandem sa Maguindanao del Norte
Sunod-Sunod nga pagbuto sa Armas, Nadungog sa Senado | Balitang Bisdak
From sacrifices to smiles: 20 hardworking Pinay moms pampered on a special Davao getaway

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio


Muling pinapanood ni Derrick Monasterio ang 'Maria Clara at Ibarra' bilang paghahanda sa pagbibidahang musical.

Nakatakdang bumida si Kapuso actor Derrick Monasterio sa Ibarra... Ngayon, isang musical adaptation ng nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Puspusan na ang rehearsals ng aktor para sa entablado.

Ibang challenge daw kasi ang dala sa kanya ng pagbida sa isang stage musical.

"Pinakamahirap talaga 'yung mga songs," aniya.

Bukod dito, ire-rewatch din daw niya ang isang beloved Kapuso series bilang paghahanda sa kanyang role.

"Pinapanood ko 'yung Maria Clara at Ibarra ulit," bahagi ni Derrick.

Ang Maria Clara at Ibarra ay isang portal fantasy series na tungkol sa isang Gen Z nursing student na mapupunta sa mundo ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Bumida dito sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco, at Dennis Trillo.


Sa kasalukuyan, bahagi si Derrick ng GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo kasama ang real-life girlfriend na si Elle Villanueva, pati na si Kapuso actress Ashley Ortega.

"Nasa climax na kami ng story. Ano 'yung magiging dynamics ng family?" pag-tease ng aktor tungkol sa mga susunod na episodes ng serye.

Looking forward si Derrick na magpahinga pagkatapos ng teleserye at maging ng kanyang stage play.

"Habang nandiyan pa, gawin lang natin nang gawin para isang mahabang vacation na lang after," paliwanag niya.

Samantala, available for streaming ang Maria Clara at Ibarra sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.