GMA Logo Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Royce Cabrera
source: derrickmonasterio/IG, royce.cabrera/IG
What's on TV

Derrick Monasterio, Royce Cabrera, kailan planong magpakasal?

By Kristian Eric Javier
Published March 14, 2025 9:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, sa Pangasinan nakita
Bentahan ng paputok sa Dagupan City, bente kwatro oras na | One North Central Luzon
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Royce Cabrera


Gusto muna maging worthy ni Derrick Monasterio bago magpakasal kay Elle Villanueva.

Sa pagbisita nina Derrick Monasterio at Royce Cabrera sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 13, ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda na ang ideal marrying age umano sa panahon ngayon ay 30. Kaya naman, tinanong niya ang dalawang aktor, kung kailan nila planong magpakasal.

Dahil 29 na si Derrick, tinanong siya ng batikang host kung handa na ba siyang magpakasal sa girlfriend na si Elle Villanueva sa ika-30 years old niya sa 2026.

Sagot ng aktor, “Feeling ko, hindi pa, Tito Boy, kasi medyo nasa halfway pa lang ako ng goals ko e. Kasi I want to build myself up first, I want to be able to have my own house, I want to be able to prove to her mother that I'm worthy kasi siyempre inalagaan siya ng magulang niya e, so gusto ko, ganu'n din 'yung maibibigay ko sa kaniya.”

Ngunit paglilinaw ni Derrick, hindi man sa susunod na taon pero pakiramdam niya ay malapit na. Aniya, napag-uusapan na rin naman na nila ni Elle ang kasal.

Payo sa kaniya ni Boy, “Don't get pressured. Go for it when you know handa ka na.”

Samantala, single man ngayon si Royce, ang hiling niya ay makasal sana siya pagtungtong niya ng 30, “Before 35 sana, ganu'n kung sakali, kung kaya. Basta 'wag lang po lalampas ng 35.”

Matatandaan na noong August 2023 nang unang kumpirmahin nina Derrick at Elle ang estado ng kanilang relasyon. Dati nang nagkatrabaho ang Kapuso couple sa Afternoon Prime shows na Makiling at Return to Paradise.

Samantala, nakatrabaho rin nila si Royce sa Makiling, at bumida rin sa isa pang murder-mystery drama Widows' War.

Ngayon ay muling magsasama naman sina Derrick at Royce sa GMA Network at VIU original series na Slay. Dito ay makakasama naman nila sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, at Mikee Quintos.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA REAL-LIFE KAPUSO COUPLES SA GALLERY NA ITO: