
Bida ang Kapuso stars sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, May 22!
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo at Boobay sa all-original Pinoy comedy game show. Guest bluffers sina Tom Rodriguez at Poleng (Pauleen Luna), at makikipagkulitan din si Boobsie Wonderland!
Tatlong pares ng Kapuso stars ang maglalaro at makiki-“Fact” or “Bluff” sa retro-inspired episode ng Kapuso show.
Ipapamalas nina Joyce Ching at Kim Rodriguez ang kanilang galing. Magpapakitang-gilas naman sina Thea Tolentino at Derrick Monasterio. At game na game din sina Sunshine Dizon at Rafa Siguion-Reyna.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness.