
Sa March 3 episode ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), dedepensahan ni Maxine si Lucas matapos itong suspendihin ni Col Bienvenido Garcia dahil sa kanilang engkuwentro laban sa kampo ni Alif Fayad.
Ipaliliwanag ni Lucas ang nangyari kay Maxine na magdudulot ng kanilang tampuhan.
Sa kabila ng hindi pagkakaunawaan, magkakaroon ng intimate moment ang dalawa: ang kanilang first kiss.
Huwag palampasin ang isa na namang iconic scene na binansagang "wine kiss" nina Lucas at Maxine ngayong Martes ng gabi sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) pagkatapos ng 24 Oras.